Sunday, March 3, 2013

Inuman Session


Dalawang linggo na ang nakalipas nang ikasal sina Jon at Karen. 
Kahit mahal na mahal ni Jon ang kanyang misis, nasasabik din siyang 
makipag-inuman sa kanyang mga kumpare. 
Isang gabi, nagpaalam si Jon kay Karen, 
"Honey, babalik kaagad ako..." 
"Sweetheart, saan ka pupunta?" 
tanong ni Karen. 
"Sa bar, cutie pie. Iinom lang ako ng beer." >saad ni Jon. 
"Gusto mo ng beer, love? Eto..." hirit ni Karen sabay bukas ng 
refrigerator 
at ipinakita ang 25 na iba't ibang klase ng beer na puro imported. 
Hindi malaman ni Jon kung ano ang gagawin. Ang sabi na lang niya, 
"Oo, cutiepie,pero doon sa bar... alam mo na... iyung malamig na 
glass..." 
Hindi pa tapos magsalita si Jon, eh, buong lambing na nagsalita na si 
Karen, 
"Gusto mong malamig na glass, sweetheart? Eto..." 
Binuksan ni Karen ang freezer at naglabas s'ya ng isang malaki at 
malamig 
na glass, sobrang lamig at nangangatog pa siya sa pagkakahawak. 
Medyo namumutla na si Jon, na ang nasabi eh, 
"Oo nga cutie pie, Pero sa bar ang daming masasarap na pulutan... 
sandaling-sandali lang ako talaga. Babalik kaagad ako, okey?" 
"Gusto mo ng pulutan, sweetheart?" 
malambing pa ring usisa ni Karen, na binuksan ang oven at naglabas ng 15 
klase ng pulutan-sisig, chicken wings, sitsarong bulaklak, crispy pata, 
inihaw na bangus, camaron rebosado hotdog with onion, kaldereta at iba pa. 
"Pero cutie pie... sa bar... you know, merong konting biruan, 
bolahan,murahan. .. you know..." alumpihit na sabi ni Jon. 
Hindi na nakapagpigil si Karen, "Gusto mo ng murahan sweetheart? 
TANG-INA MO PALA EH! HETO, INUMIN MO ITONG PUTANG INANG BEER MO SA 
MALAMIG NA BWAKA NG INANG BASO NA 'TO, AT KAININ MO 'YANG PUKI NANG 
INANG PULUTAN NA 'YAN DAHIL HINDI KA LALABAS NG BAHAY! ULOL!" 'TANG INANG'TO 
==

Sabi ko nga SA BAHAY NA LANG AKO IINOM...hehehe! 

No comments:

Post a Comment